Sa araw-araw na transportasyon, iba't ibang buhay ang tumatakbo kasama nito...
Sa bawat paglalakbay, iba't ibang direksyon ang tatahakin nito...
Ang dulo ang siyang katapusan. Ang dulo ang magtatakda ng tadhana.
Sadyang mahiwaga ang buhay. Hindi mo alam kung hanggang kailan at saan ang iyong paglalakbay. Ang bawat daan na iyong tatahakin ang magdadala sa iyo sa mundong maaaring magdulot ng ligaya, pighati, hirap at ligaya. Ito ang mga handong ng buhay. At sa bawat paglalakbay, sa iyong mga yapak nakasalalay ang iyong patutunguhan.