Naniniwala ka ba sa reincarnation? Sa doppelganger? Na may iilang tao sa buong mundo na halos kamukha mo ngunit hindi mo ito kadugo? O maniniwala ka ba na bumabalik sa buhay ang mga taong nakaranas na ng kamatayan? O sa madaling salita, himala? Tunghayan natin ang buhay na puno ng mga lihim. Hindi mo malalaman kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Akala mo siya ang nakilala mo ngunit kamukha lamang nito. Akala mo kilala mo na ang pagkatao ng isang tao ngunit may isang libong pinto pa ang dapat mong buksan upang makilala mo ang totoong pagkatao. Akala mo wala na siya ngunit bakit nakikita mo ang kanyang mukha sa lugar na puno ng mga tao? Alamin natin kung sino ba talaga si Marisol Amor Luzviminda at ang buhay niya na puno ng mga saradong pinto. ----- Ito ang kauna-unahang istorya na aking i-publish. Sana'y matuwa ang mga magbabasa nito. Thank you! 。◕‿‿◕。Todos os Direitos Reservados
1 capítulo