Darating pa ba yung oras na ako naman? Ako naman ang pahahalagahan? Ako naman ang iiyakan? Ako naman yung tinutukoy nya sa mga sulat niya at uhaw sa atensyon ko? Ako naman yung mamahalin ng higit pa kung pano ako magmahal? Darating na nga ba? Dahil nakakapagod nang mangarap at umasa. Bakit ba tila napakalupit ng mundo paulit ulit kang iibig at ikaw at ikaw lang ang mas nasasaktan dahil ikaw lang ang mas nagmamahal.