Hindi ko na maalala kung pano ko naging boss ang dimunyung lalaking ito, at ayoko nang alalahanin pa! Pero para sainyo, sige, aalalahanin ko. Nagkasakit kasi ang nanay ko nung panahon na yun at kailangan talaga namin ni papa magtrabaho. So, nag-apply ako dun sa company nila, urgent hiring kaya nakapasok ako agad. Jusko, hindi ko alam na ang boss ko pala ay dimunyu! Utos dito, utos doon! Sigaw dito, sigaw doon! Waahhh!! Nakakapang-init ng ulo! Pero kailangan kong magtiyaga, para sa nanay ko. But later on, nadiscover ko na may mabuti rin syang parte sa oh-so-hot body nya. And then, *boom*!! Hindi ko na alam ang nangyare kung bakit nahulog ako sa kanya, kahit pa... He's My Devilish BOSS.