Sa katingkiran ng takipsilim habang ang mundo ay nababalot ng dilim, dito pilit kitang aabutin. Sa aking pag-iisa kita'y lihim na pinagmamasdan habang ang langit ay iyong kinukulayan. Sa ulap na iyong kinaroroonan pisngi mo ay 'di madampian upang mga luha ng karimlan dulot ng kahapon ay malulunasan. Paalam aking Aurora sa tipanan muling magkikita samantalang ako'y lilisan upang aking saksihan ang bagong umagang isisilang. - Bernard ArciagaAll Rights Reserved
1 part