Mahimbing na natutulog si Lianne sa loob ng kanilang kotse nang maalimpungatan siya sa pag-gewang ng sinasakyan. Nagulat na lamang siya nang makitang iba na ang nagmamaneho nito, isang estranghero! At mas lalo pa siyang nagulat ng makarinig ng sunod-sunod na putok mula sa likod ng kanilang sasakyan at mukhang sila mismo ang pinapaputukan. Hindi--- ang estrangherong pala ito ang pinupuntirya ng mga ito. Ayaw ng estrangherong lalaki na masangkot sa gulong pinasukan si Lianne kaya pinakawalan rin siya nito. Pero huli na ang lahat. Hinuli siya ng mga taong humahabol sa lalaki upang gawing hostage sa pag-aakalang may relasyon silang dalawa. Ang akala niya ay hahayaan na lamang siya nito sa kamay ng mga taong iyon pero nagulat siya ng bigla itong dumating at pinagbabaril ang mga taong humuli sa kanya. Isinama siya ng lalaki at sinabing hindi na ligtas ang buhay niya. Gusto niyang lumayo dito dahil alam niyang mas lalong hindi siya ligtas dito. Isa itong masamang tao at hindi dapat na pagkatiwalaan. Sinubukan niyang tumakas pero palagi rin siya nitong nahuhuli. Sa bawat araw na magkasama sila ng lalaki ay unti-unti niya itong nakikilala. Unti-unti rin siyang nakakaramdam ng kakaibang damdamin para dito. Pero alam niyang may hangganan din ang lahat...