Bata pa lang si Meggie ay pangarap na talaga niyang maging artista. Wala siyang ibang ginusto kung hindi ang maging isang sikat na artista, ito ang ultimate dream niya. Never siyang nawala sa mga school play, lagi siyang cast, naging puno na siya, palaka, kambing, baka, lahat ginawa na niya dahil sa pagmamahal niya sa larangan ng pag arte. Maganda naman si Meggie, never pa siyang nagkafling, crush or manliligaw, mahalaga kasi sa kanya na makatapos muna ng pag aaral. Pangako niya kasi yun sa mga magulang. Ngayong College na siya, bagong skwelahan, bagong pagsubok. Kailangan niyang makakuha ng scholarship para makapag aral, isa lang ang nakikita niyang solusyon, sa theatro. ngunit paano kung ang role na kailangan niyang gampanan ay isang bagay na hindi pa niya nararanasan? gagawin pa din ba niya? para sa experience? para sa scholarship? para kanino? "Paano kung kailangan niyang mabroken hearted? , WANTED: Heart breaker"