Isang umaga ang tuluyang bumago sa buhay ni Rikki, tatlumpu't tatlong taong gulang na dalaga na nagkagusto sa lalaking mas bata sa kanya ng halos labing limang taon. Nang umagang iyon ay isang dalagang duguan at wala ng buhay ang natagpuan sa kanyang silid. Hindi niya maikubli ang pagkabigla sa nasaksihan subalit isang lihim ng nakaraan ang bigla na lamang sumagi sa kanyang isipan na siyang nag-ugnay sa kanya sa malagim na sinapit ng dalaga.