THORNE ALONSO Sabi nila wala daw perpekto sa mundo. Well, hindi pa siguro nila ako nakikilala kaya ganoon sila mag-isip. Walang halong kayabangan. Nagsasabi lang ng totoo. Kahit ako, minsan hindi makapaniwala kung gaano umaayon lahat sa akin ang takbo ng buhay ko. Bukod sa walang maipipintas sa pisikal kong anyo ay mayaman ang pamilya namin. Mula ng ipanganak ako hanggang ngayon ay nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.