Merong mga bagay na dumadating sa buhay natin na aakalain mong dapat nating hawakan pero bandang huli kakailanganin din pala nating bitiwan. May mga lugar tayong pilit na nilalakad pero sadyang nililigaw lang tayo hanggang sa mapagod na at sumuko. Kung tutuusin walang masama sa maghangad ng isang bagay lalo na kung alam mo naman na naging karapat dapat ka para dito, sadya lang kahit anong pilit hindi parin mapasaiyo. Marahil may mas bagay na higit pala na siyang nakalaan, yung taong magpapasaya ng iyong puso.