Patay na patay si Makayla sa class president slash brain geek nilang si William. It's been three years na niyang crush ito. Ngunit, naging komplikado ang sitwasyon nang nahulaan niyang walang ni-isang patak ng pagmamahal si William para dito. Labis siyang nagdamdam, nang may isang lalaking hindi niya inaasahang humalo sa timpla ng kanyang love life - si Diego, isang guwapong lalaking hindi man lang niya naisipang manliligaw sa kanya kahit sa ilusyon. Dahan-dahan nitong hinilom ang sugat na nasa puso niya. At hindi niya namamalayang nahuhulog na pala siya sa undenying charms nito at kahit sa mga korning banat niyang jokes.