Naukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pagdating ng panahon mahahanap nila ang isa't isa. Dumating nga ang araw na nagkita silang muli. Ngunit bumagsak ang kanyang pag-asa ng malamang hindi na siya kilala nito. Ano ba ang dapat gawin ni Sofia upang maalala siya ni Ren? Paano niya ba ito haharapin? Sasabay nalang ba siya sa agos ng pangyayari? O dapat niyang ipaalala dito ang nakaraan? Paano kung wala na pala itong pakialam at tuloyan na siyang kinalimutan?