Sabihin sa'kin lahat ng lihim mo, iingatan ko
Ibaling sa'kin ang problema mo, kakayanin ko
Sasamahan ka sa tamis, sasamahan ka sa pait, sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit..
Chorus sa isang kanta. Biyahe papuntang Paris. Isang painting na work-in-progress. Grace period sa bawat palit ng klase. Hair and make-up session bago ang isang kasal. Pakiramdam ng pagguhit ng alak sa lalamunan. Huling 'sure' move bago manalo sa casino. Pagpili sa dalawang designer dresses. Pagsulat ng kanta bago malagyan ng tono.
Iyan ang mga bagay na nakakapagpa-excite kay Ada: ang mga in-betweens, ang proseso bago makuha ang mga bagay. She likes the chase, the bet, the game, and the risks. Dahil sa buhay na meron siya, lahat mabilis, lahat madali. Isang pilantik lang ng kamay niya, andiyan na ang kahit na anong kailangan niya - alak, pagkain, damit, pera, you name it! Walang thrill. Nakakasawa. Paulit-ulit.
Kaya nang maghiwalay ang mga magulang niya ay naalerto siya imbis na malugmok. Sa wakas, magkakaroon na ng bagong aabangan sa pang araw-araw niyang buhay.. ngunit nagkamali siya. What was in the past is still in her present, ganon pa rin kadali ang lahat. Magpapakalasing pa rin siya o hihithit ng kung ano at kapag nahuli ay.. who cares? She has money for bailing! Everything was easy and she's getting bored.
Madalian pa kaya siya kung darating ang isang Jaxon Soto sa buhay niya? Or will Jaxon change Ada's easy life? Are these changes for the better or for Ada's worse?
a JaDine fan fiction; an original story from
sunnysideodd 2016