He's a legend among his kind. Lahat ay natatakot kahit sa pangalan nya pa lang. Maraming nakakaalam sa kaya niyang gawin pero wala pang nabuhay upang ikwento ang buong lihim ng kanyang pagkatao. Pero ayon sa propesiya, isisilang ang natatanging nilalang na magpapabagsak sa isang katulad nya. Kung sino ang nilalang na ito ay walang nakakaalam, kung paano nya pabagsakin ang tinaguriang diyos dito sa lupa ay walang makapagsabi. Pero ang malaking katanungan... talaga bang totoo si Marcus Stefone, ang tinaguriang diyos ng mga immortal ? Ano ang koneksyon ni Leah isang simpleng kolehiyala sa buhay ng isang alamat? May laban ba ang mga normal na tao kung tuluyang lalantad ang mga nilalang na nagtatago sa dilim? Paano poprotektahan ni Leah ang mundo mula sa hukbo ng kasamaan na siyang pinaghaharian ni Marcus Stefone?