Si Chammile Reyes ay isang babaeng laki sa squatter, babaeng walang manners, poise at isang low quality kung tawagin. Ngunit lingid sa kanilang pagkakaalam, muntikan na rin pala itong namatay dahil sa isang aksidente, ngunit may isang lalaking nagligtas sa kanya, na ngayon ay kanyang tinutunton upang masuklian ang kabutihang naitulong sa dalaga. At nakilala niya ang transfer student na si Joeshua Montereal, isang sikat na model ng damit sa U.S.A. na sa kanyang palagay ay ang lalaking tumulong sa kanya noong nangyari ang aksidente. Kaya nainis ang buong campus ng lapitan niya ang binata, lalo na ang grupo ng mga babaeng nangangarap na mapasakanila si Joeshua. Sigurado si Chammile na siya ang lalaking iyon, at alam naman ni Joeshua na hindi siya ang lalaking iyon, kaya gumawa ng paraan para lubayan siya ni Chammile. Pero sa plano niyang iyon, si Joeshua pala ang naapektuhan sa kanyang plano, habang tumatagal nahuhulog na pala siya sa dalaga. Paano kaya kapag dumating na ang tunay na nagligtas kay Chammile? Saan pa kaya siya lulugar? Ngayong alam naman niyang hindi talaga siya ang tagapagligtas ng binata. P.S. May nilalaman pong mga bastos na mga salita ang storyang ito so kung ayaw niyo po ng ganung story, wag niyo nalang pong basahin My Ghetto Princess Short Story Written by: AndrewCabalteja