Renaissance Lopez's life is almost perfect. May mapagmahal at mabait na girlfriend, may magandang trabaho. Tahimik ang buhay niya at alam niyang si Amara na ang makakasama niya pang habang buhay kahit pa pareho silang kalahi ni Eba. Pero lahat ng akala niya, ang tahimik niyang buhay at kontento na niyang puso ay biglang nagulo ng kampon ni Satanas o baka ang lalaki na mismo si Satanas, ang lider ng mga mobsters sa buong asya, drug dealer sa iba't-ibang panig ng daigdig , mamatay tao, mala-dyos ang kagwapuhan , makatulong laway ang katawan, ang lalaking halos perpekto na ang panglabas na anyo pero demonyo sa loob, Si Judas Nikolai Moretti. Kahit na pigilan ni Renaissance ang nararamdaman ay parang isang di mapigil na malakas na bagyo ang pagdating ni Nikolai sa buhay niya. Paano niya pipigilin ang nararamdaman kung ang lahat ng pakiramdam na bago sa kanya ay si Nikolai lahat ang nagparamdam? Kahit pa masama ang puso ng binata ay mas pinili niyang manatili sa tabi nito.