"Ang alin? Ang mahalin ka o ang katotohanang hindi mo kayang aminin sa sarili mo na mahal mo rin ako? Hindi ko kailangan ng mga dahilan para mahalin ka Adela dahil sapat na ang pangalan mo ang isinisigaw ng puso ko..." Adela is engaged with Victor, nang bigla ay iminungkahi ng binata na malaya nilang magagawa ang anumang gustuhin sa loob ng apat na buwan bago ang kanilang kasal. Ginamit niya ang pagkakataong 'yon para makauwi sa probinsyang kanyang nilisan apat na taon na ang nakaraan. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahan na makilala ang isang taong malapit sa kanyang lola Felicidad. Nagkaroon din siya ng isang kaibigan sa katauhan ni Mitchell Rivera. Ang pagkakaibigang 'yon ay naging pagkakamali dahil nahulog ang loob niya rito. Umabot siya sa puntong handa na siyang sundin ang kanyang puso at talikuran ang nobyong si Victor. But when everything seemed so right, natuklasan niya ang tunay na pakay ni Mitch. Ang kunin ang pinakamahalagang bagay na mayroon siya.