Posible bang ma in love sa taong nakilala mo lang sa social media tulad ng facebook? Nagsimula ang lahat ng yan sa Friend Request sa Facebook. Tapos naging friends. Second part, chat chat. Nagpakilala ang isat isa tapos kachat paminsan minsan. Hanggang isang araw ang paminsan minsan na chat naging araw araw pati gabi. At naging close. Take note d pa kayo nagkikita ng personal ha? Hanggang narealize mo na lang na d na kumpleto ang araw mo na d sya kachat. Little did you know, na in love ka na sa kachat mong d mo pa nakikilala at nakikita sa personal. Sabi nga nila love is blind? Kasali ba sa love is blind yung tipong d mo pa nakikita pero mahal mo na siya? Pwede naman diba? Blind nga hindi nakikita. Basta ka na lang na in love dahil sa mga chat messages niyo, mga pag aalala niya kung d ka nakachat, yung pagremind niya sayo na kumain muna. Basta yung mga simple thoughts lang pero nain love ka na. Posible kaya yun? Tatagal kaya ang relationship? Pwede kayang siya na ang 'the one' mo? Kahit na sa facebook mo lang siya nakilala?