They said that you will know if its him or not. Pero paano kung magising ka isang araw na yong taong akala mong siya na, ipagpalit ka sa iba! Yong taong nagparamdam sayo kung gaano kasarap ang magmahal, yon din pala ang taong magpaparamdam sayo kung gaano kasakit ang masaktan at mabigo.. Yong pakiramdam na hindi mo alam kung saan ka pupunta. Yong pakiramdam na hindi mo alam kung saan ka ulit magsisimula. Yong pakiramdam na takot kanang magtiwala ulit at ipagkatiwala sa iba ang puso mo. Hanggang sa pinili mo nalang mag-isa kesa ang sumugal sa isang walang kasigurohang pag-ibig.. Pero paano kung may taong gagawin ang lahat para sayo para maniwala kalang ulit sa love? Susugal ka ba ulit? ipagkakatiwala mo ba ulit ang puso mo sa taong possible kang iwan katulad ng ginawa ng una mong minahal?