Pangarap ng pamilya ni Quinn na maging susunod siyang Miss Universe. Pero wala iyon sa plano niya. Ang tanging kaligayahan niya ay kumain ng masasarap, mga pagkain na isinusumpa ng mga kamag-anak niyang beauty queen. Kaya naman nang alukin siya ni Chance sa isang deal na bibigyan siya nito ng lahat ng pagkaing gusto niya nang patago kung ilalapit niya ito sa antipatika niyang pinsan na si Cindy, tinanggap niya kahit na alam niyang mababasted din ito sa huli. Subalit habang sinasaktan ng pinsan niya si Chance, siya rin ang nasasaktan. At nahiling niya na sana ay siya na lang ang gusto nito. Nai-in love na ba siya dito?