Forest ang tawag ni Leia sa St James Academy-ang Academy ng mayayaman kung saan siya naka-enroll sa tulong ng isang sponsor. Ang mga Jamie, mga babaeng estudyante ng St. James at Jamo-mga lalaking estudyante, ay witches at beast ang tawag niya. Bakit hindi kung sa St. James ay para siyang ligaw na daga na laging puntirya ang masasamang pusa? Parang bitamina ng mga kaklase niya sa bawat araw ang pahirapan ang buhay niya. Ang pagpasok ni Leia sa araw araw ay isang challenge na lagi niyang kailangang lampasan para sa pangarap nilang mag-ina. Pahirap nang pahirap pero hindi siya dapat sumuko. Marami siyang iniluha sa St James Academy. Hindi naisip ni Leia na biglang magbabago ang buhay niya sa pagdating ng bad boy na transferee sa Academy-si Ross Valdforz. Para itong bagyong bigla-biglang pumasok sa buhay niya. At ang sentro ng malakas na ulan at hangin ay ang tibok ng puso niya...