Dear Stranger, In life, marami kang pagkakataon na gagawa ng promise. Sa paggawa ng homework mo. Sa pagsunod sa schedule mo. Sa trabaho mo. Sobrang dami, diba? Marami ka ring pagkakataong pagdaraanan na ikaw ang aasa sa promise. Sa pakikipagkaibigan. Sa pagmamahal. Oo nga't marami nang hindi sumusunod sa promise ngayon, pero meron pa ring konti. Konti na kahit mahirap, mag-iistick sa promise nya. Panghahawakan nila 'yun. Tutuparin. Kung ikaw na nakakabasa nito ngayon ay kasalukuyang umaasa sa isang promise, don't let go for now. Malay mo, matupad 'yan? Learn to hope. And wait. Trust me, makakatulong 'yun. Pramis! Mamatay man ako. Cross my heart. From: A Stranger with a Happy Heart --- (c) lipatpahina - another one shot