Hiii! First time kong magsusulat ng isang istorya kaya winawarningan na kita kung sino ka mang nagbabasa ngayon. >:P
Rated SSSPG - Ang Story na ito ay maaaring Sabaw, Sabog at Pawang
kaGagahan lamang.
★★★★★★★★★★★★★★★★
Paano kung magtapat sayo ang crush mo?
Yung taong nananahimik na palihim mong ginawang inspirasyon ay bigla ka nalang papansinin?
Hindi ka ba magdududa?
O agad kang bibigay?
Crush mo nga e dba?!
Ito ang istorya nina Ana at JM, mga 2nd year BS Accoutancy students sa IST University.
Si Ana Karylle Padilla.... Sooooobrang sipag mag aral...
pero matalino? Okay lang, di nga lang pinalad makapasa ng qualifying exam..
E pagdating kay JM? Okay lang pa rin ba? O tuluyan na siyang babagsak dito?
Si Jose Marie Viceral naman...
Tamad man, matalino naman, kaya nga nagkagusto si Ana dyan e. Mabait? Hm, oo madasalin pa nga e. Pero pagdating sa babae, nako, mukhang kailangan niya ng isang babaeng magpapatino sa kanya, si Ana na kaya iyon?
★★★★★★★★★★★★★★★★
Ito nga pala ay INSPIRED sa true story ng buhay ko (Inspired lang, more on fiction pa din para kilig ;)) at dahil isa akong Vicerylle baby, gusto ko sana e sila yung characters, okay lang baaa? :3
Please do read the first chapter, I'm not sure if I should continue this story. :/ :)