Nakita ko lang sya noon sa park. Bumilis ang tibok ng puso ko, natulala ako sa pawisan pero gwapo pa rin niyang mukha. Nagustuhan ko na siya sa una pa lang naming pagkikita. Kaya iyon nagbakasakaling bumalik sa park kung magkikita pa ulit kami. Eh napaka bait sakin ng tadhana, masasabi kong ako ang pinaka swerteng babae sa buong mundo. Pero pagkatapos nung insedenteng yun hindi ko na ulit siya nakita. May balak atang makipaglaro ng tagu-taguan. Hindi ko alam na tinititigan na pala nya ako ng patago at malayuan (ganda ko diba?). Kailan kaya siya magpapakita? Saan ko kaya siya ulit mahahanap? "Anywhere you go, anywhere you hide. I will FIND YOU THERE remember that." -Rudelton Vegas
Detail lengkap