Ang daming tanga sa mundo... Madami rin ang mga manhid at mga nagtatanga-tangahan.. Bakit nga ba sila nagkakaganyan? Dahil ba sa pag-ibig na yan? Bakit ba sila nagiging tanga? Nandito tayo sa realidad at hindi tayo nasa mga fairytales na pag-nakita mo ang prince charming diretso happy ending.. Sa mundo nating 'to wala ng mga prince charming at mga dream boy.. Kung nagtataka kayo kung bakit ako bitter.. Dahil sa nakikita ko pa lang sa paligid ko ako na ang nasasaktan.. Dahil ako si Criasha Kaye De Veyra na hindi ordinaryong babae at hindi naniniwala sa pag-ibig..