Sabi ni Mama, puppy love lang daw yong nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman eh. Mali siya.. Mahal ko na talaga siya nung unang kita ko pa lang sa kanya. Naiimagine ko na ang buhay ko na kasama sya. Oo, nababaliw na siguro ako. Sabi ni Kuya, hindi nya raw ako gusto. Hindi naman ako naniniwala dyan eh. Hindi raw sya yung right person para sa akin. Well, I do believe that it is not finding the right person; it's learning to love the person you found. Sabi ko naman, hanggang sa di pa pumuputi ang uwak, sya at sya lamang ang mamahalin ko, hindi ako susuko. Siguro nga hindi pa nya ako nakikita sa ngayon pero alam kong darating ang araw na magiging akin rin yung atensyon nya. Pero what if.. dumating ako sa punto na kailangan ko na syang bitawan para makita ko lang sya na masaya? Kakayanin ko ba yon? Sasaya ba ako? Hindi nya ba talaga ako kayang mahalin? Bahala na! I will risk it all.
27 parts