Nakatayo, nakatunganga sa isang poste si Greg. Alam niyang daanan ng lahat ang poste na iyon. Tahimik at parang malalim ang iniisip ng binata. Nakatingin lamang siya sa lupa, hanggang binaling niya ang kanyang mga mata sa itaas. Napansin niya ang isang babaeng dumaan sa kanyang harapan, naka suot lang ito ng simple at walang make up sa mukha. Pag tingin ni Greg sa babaeng dumaan sa kanya ay naranasan niya ang pag hina ng takbo ng oras at ang babaeng iyon lamang ang kanyang nakikita, hindi gumagalaw ang mga nasa paligid, tanging ang babae lamang ang kanyang nakikita. Unti unti niyang nakikita ang babae na gumagalaw ang kanyang bibig na humuhugis na parang U-shape. Ngumiti rin siya at bigla niyang naramdaman ang tunog na ''dug, dug, dug'' ng paulit ulit sa kanyang dibdib.
Ang storyang ito ay mga pangyayari noong hindi pa nagkakilala si Greg at Tiffany. Shall we say ito yung pinaka una bago pa ang nangyari ang sa storya ng "The Pain She Give". Tutukan, subaybayan ang mga kaganapan sa storya. Paano kaya, magtagpo ang kanilang tadhana? Isang tanong na minsan na ding sinasagot.
mils_andi here ;)
Hope you'll like the story I make :)
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.