Pasensiya ka na, hindi ako yung tipo ng babae na kapag dumaan mapapalingon ka, hindi ako yung babaeng pinapangarap ng kahit sino, wala sa akin ang mga katangian na hinahanap ng isang lalaki. Hindi ako perpekto, napakamoody kong tao. Hindi ako yung babaeng masasabi mong may magandang ugali, nakagawa na ako ng mga bagay na hindi maganda, palamura akong tao. Minsan daig ko pa ang lalaki kung magsalita o kumilos.. Siguro nga hindi mo ako makikitaan ng mga bagay na nakakaturn-on. Ako kasi yung tipo ng babae na mabilis kalimutan at saktan.