Minsan, nagawa ka ng listahan ng klase ng tao na gusto mo. Iniiisip mo kung ano yung type mo. O kaya, hindi mo alam kung ano yung type mo. Lahat ng iyan ay mga "nonsense". Ang tao, ay hindi listahan. Ang pagibig, hindi binabase sa klase. Iyun ay tungkol sa mga nararamdaman.
Ang pagibig, ay dalawang tao na parehong takot mahulog sa isa't isa. Yung tipong, alam mo kung ano siya, sino siya, at sino ba siya sa buhay mo. Pero, kahit anong tigas, bigat, at pigil ng katawan mo... Natakid, nahatak, at nahulog ka na ng tuluyan.
Ang love at first sight, para sa akin, ay hindi totoo. Pero sa "love realization", oo. Ang buhay, madaming sorpresa. Hindi mo alam kung ano ang pakay ng bawat tao na dumating, dumadating at dadating sa buhay mo. Minsan, leksyon, minsan, inspirasyon, at minsan, regalo. Ni sarili mong pakay, hindi mo alam.