DELIVERANCE BOOK 1: Battle in Chimera [Revamped]
45 parts Complete BOOK 1 of the DELIVERANCE SERIES
About the book
[Battle in Chimera, 3rd Edition]
Palaisipan pa rin sa apat - Audrey, Elsa, Wayne, at Eliott -, ang pagkawala ng mga magulang nila. Ang tanging alam nila ay namatay ang mga ito, sa 'di malaman-laman na dahilan. Hindi na sila nag-abalang alamin pa ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Basta ang sa kanila ay tahimik na silang namumuhay nang magkasama. Pero nasira ang katahimikan na iyon.
Dahil sa nangyaring pagsabog sa isang pasilidad na pagmamay-ari ng isang pribadong organisasiyon, napilitan silang tanggapin ang bagong buhay na natanggap nila. Lahat sila ay nagkaroon ng mga angking kapangyarihan na 'di nila kailanmang inisip na namamalagi sa mundo. Pero hindi lang iyon ang natuklasan nila. Nalaman ng apat ang isang bagong mundong naghihintay sa kanila. Pero kailangan nila itong iligtas mula sa nagbabadyang panganib. Hindi nila ito ginusto pero nakatakda silang gawin ito.
Kasama ang mga bago nilang kaibigan, unti-unti nilang nilakbay ang mundo ng puno ng kahiwagaan. Isang lugar na matagal nang nais puntahan ng kahit sinoman. Isang lugar na inakala nilang isang palaisipan lang.