Tatay Berto's House (Completed✓) Series1
3 parts Complete MatureIsang huling bonding na biyahe ang nagdala sa isang dosenang magkakaibigan sa isang lugar na hindi nila kailanman gugustuhing puntahan.
Dahil sa matinding kuryosidad at sa mga kuwentong nabasa nila sa isang website, isinali nina Talia Diaz, Zackeline Bertillon, Kester Miller, at ang iba pa sa kanilang last list ang pinakakinatatakutang destinasyon: Ang Bahay ni Tatay Berto.
Sa simula, inakala nilang pawang kathang-isip lamang ang lahat ng kanilang nabasa. Ngunit ang Bahay ni Tatay Berto ay isang lumang, misteryoso, at nakapangingilabot na tahanan-na sisingilin ang sinumang sumilay rito.
"You're invented to uncover the secrets...but you might never leave."
"Sa sandaling makita mo ito, hindi ka na kailanman makakabalik pa sa iyong pinanggalingan."
"Buhay mo ang kapalit."
"Walang makakatakas, kahit ikaw."
Ngunit ano ang gagawin mo kung ikaw mismo ang mapadpad sa lugar na ito?
Handa ka bang mamatay para sa kaligtasan ng isa?
Handa ka bang isakripisyo ang sarili mong buhay para sa kaligtasan ng iyong mga kaibigan?
Handa ka bang pumatay ng sariling kaibigan upang mailigtas laman ang iyong sarili?
Magagawa mo bang harapin ang takot mo upang mabuhay?
Kakayanin mo bang ipaglaban ang iyong sarili, kahit alam mong halos imposible nang makaligtas sa isang panganib na magdadala sa'yo sa kamatayan.
Kaya mo bang ialay at ipagpalit ang iyong buhay alang-alang sa pinakamahalagang tao sa buhay mo?.
Pipiliin mo bang mamatay kasama ang taong mahal mo kaysa unahin ang iyong sariling kaligtasan?
Mapapatawad mo ba ang kaibigan mong nagkanulo sa iyo?
Kaya mo bang itama ang lahat ng pagkakamali mo, kahit huli na ang lahat?
Sa Bahay naito walang tamang desisyon tanging-takot , trahedya, at pagsubok na walang kasiguraduhan.
Character Names
Talia Diaz
Zackeline Bertillon
Alexandra Elderland
Villana Moron
Sheryl Laccson.
Cherry Mae Gualin
Kester Miller
Dexter Purtos
Marlon Mintos
Xander Corvus
Carlo Rarser
Filip Pilipe