Paano kung ang isang bagay na tanging nagpapabangon sa'yo araw-araw, ay hindi pala yoong bagay na inaaakala mo? Si Daniel Lorenzo Angeles ay isang dakilang lover boy. Anak ng pinakamamahal niyang ama at nang ina niyang magaling na hindi na matagpuan ngayon. Nasa pangangalaga siya ngayon ng kaniyang butihing tiyahin kasama ng kaniyang makukulit na pinsan. Isang huwarang estudyante. GGSS kung titignan pero sige, bigyan na natin siya ng kahit na kakarampu't na karapatan. NGSB dahil iisa lang ang kaniyang mahal mula nang malaman niyang kaya niya palang mag-mahal, ngunit sa kamalas-malasan ay hindi nagpapaligaw si ateng. Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao ay kaya mong tanggapin ang buong pagkatao niya, kahit na ano pa man yun, kakayanin mong tanggapin dahil mahal mo. Pero sapat na nga ba ang pagmamahal para kay Enzo para tanggapin ang katunayang nililihim ng babaeng pinapangarap niya mula noon?