Hindi alintana ni Cel ang kawalan ng Lovelife.Kontento na siya sa routine na bahay-trabaho-bahay.Ang gusto lang niya ay paluguran ang mag asawang umampon sa kanya.. Kaya nang gustuhin ng tunay na anak ng mga ito na bumuo ng isang banda, kahit tambak ang trabaho niya ay naglaan siya ng oras sa pagpili sa magiging bokalista ng mag ito.Pero hindi pala ganoon kadaling maghanap ng bokalista. Susuko na sana siya nang aksidenteng marinig niyang kumakanta ang geek niyang assistant-si Boni. Sino ang mag-aakalang sa likod ng makapal na salamin nito sa mata at pormang ibuburol ay nagtatago ang isang napakagandang tinig? Ipinakilala niya si Boni sa kanyang mga kapatid at kaibigan nito.Ganoon na lang ang protesta nga mga ito. Hindi raw bagay si Boni na maging bokalista. Mlayong malayo raw ang itsura at porma nito sa isang rakista. She wanted to prove them wrong.Kaya walang sali-salitang, hinubad niya ang mga salamin sa mata ni Boni,ginulo ang buhok nito,at tinggal sa ohales ang mga butones sa tila pamburol nitong polo.Napanganga siya pagkatapos.Wala siyang kamalay malay, hunk pala ang assistant niya. Bigla tumibok nang mabilis ang puso niya. Nataranta siya.Nagka-crush pa yata siya kay Boni.... Hindi maaari!!!