"I will wait you Jas. Kahit gaano pa yun katagal at kahit anuman ang mangyari. Hihintayin kita, at sabay natin tutuparin ang mga binuo nating pangarap. Hihintayin kita sa field." Iyon ang katagang binaon ni Jasmine sa pag-alis ng Bicol papuntang Manila mula sa kaibigang si Joemar na sa simula't simula ay matagal niya ng pinapangarap. But sometimes 'Promises are meant to be broken'. Iyon ang madalas sabihin ng mga tao sa paligid niya. Pero hindi niya pinaniwalaan iyon. Dahil mas nanaig sa puso niya na tutuparin iyon ni Joemar. Ngunit paano nga ba kung hindi? Paano kung ang pagbalik niya sa Bicol ang Joemar na dating kilala niya ay nag-iba na? He became cold, na para bang wala silang pinagsamahan. Pero dahil mahal na mahal niya ito ay handa siyang magpakatanga maiparamdam niya lang dito na minamahal niya ito. Handa siyang ibigay at isugal ang lahat para dito. Kahit ang kapalit niyon ay ang sakit na kahit kailan ay hindi niya aakalaing mararanasan mismo sa taong minamahal.