Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2)
  • Reads 17,478
  • Votes 437
  • Parts 7
  • Reads 17,478
  • Votes 437
  • Parts 7
Ongoing, First published Feb 01, 2016
Hi! Ako si Alex. Ako 'yong kaibigang hindi mo makakausap nang matino kasi madalas pipiloposopohin o babasagin ka. Ako 'yong mahilig gumamit ng mga salitang kalye at nauuso sa ngayon. 'Yong ang least favorite school subject ay English. 'Yong makikita mong madalas na nasa tabi ng streetfood cart at kumakain ng isaw. 'Yong ang nakalagay na employer sa Facebook profile ay "Eh di sa puso mo." Ako 'yong sinasabi nilang jologs.

Oh, eh di sige. Jologs na kung jologs. Komportable naman ako sa sarili ko. Hindi tulad ng mga conyo at mga trying-hard sosyalerang kung maka-Ingles, wagas. 'Di ko sila trip.

Pero nang dumating ang bagong English teacher naming cutie pie at sosyal, biglang naalog ang mundo ko. Tinamaan ako. Sapul, eh. Kaya bigla, nag-decide akong mag-transform from a jolog to a conyo. Gusto ko kasing mapansin ako ni Sir. Pero ang hirap palang magpaka-Inglesera at conyo. Lalo na kung merong asungot na bumabasag ng trip ko.

Peste 'tong si Jake. Pinagtatawanan at nilalait niya lang ang effort ko na magbago. Siya 'yong mapang-asar na classmate na rich kid pero trying hard na maging jologs. Ano namang trip ng isang 'yon?


*This is the unedited version
*This book is already published under Reb Fiction with the rest of the series (SCH). Available in bookstores nationwide
All Rights Reserved
Sign up to add Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2) to your library and receive updates
or
#3conyo
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)

54 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.