#WalangForever! Si Camille ang unang-unang sisigaw ng hashtag na 'yan. Isang mala-nobelang love story niya ang handa niyang ikuwento para patunayan lang na isang kathang-isip lamang ng mga wattpad writers na 'yan ang #Forever! "dahil sa lahat ng mga umiibig, 20% lang ang masaya; 80% ang dumaranas ng pighati..." "dahil kahit gumamit pa tayo ng time-machine para balikan ang mga masasayang nakaraan, hindi na magbabago ang mapait na kasalukuyan..." "dahil minsan, mas gusto nating 'wag na lang paniwalaan na ang lahat ay kasinungalingan lamang..." Ilan lamang 'yan sa mga #Hugot statements ni ateng at marami pa siyang nakatago sa baul. Kaya't nakapagtataka na bigla niyang kinain ang kanyang mga sinabi. Siya daw ang makapagpapatunay na totoo ang #Forever? What? At "swear" daw ha. Nakakaloka!