Totoo nga bang may tadhana? Totoo nga bang may naka-reserba para sa'kin? Kung totoo man yun, paano ko malalaman kung sa'kin nga 'yon? Kailangan ko ba munang masaktan? Umasa na siya na? Na saakin na iyon? Kailangan ko ba munang maranasan na magmahal ng sobra sa isang tao at masaktan din ng lubusan? Kailangan ko rin ba munang maranasan ang magpakabaliw sa isang tao para lang sa pag-ibig na 'yan? Pag-ibig nga naman. Akala ko ba kapag nagmamahal walang sakit at lungkot ang mararamdaman mo? Pero bakit kapag pag-uusapan pa lang 'yun parang napaka bigat na sa puso at damdamin? Lecheng pag-ibig naman 'to. Pinapahirapan lang ang mga tao.