Kwento ni Veronica, isang promotional model sa isang sikat na bar, dahil sa mapanghusgang mundo akala ng lahat hindi pangkaraniwan ang trabaho nya, palagi syang napagkakamalang nagbebenta ng laman. Hindi ninais ni Veronica na maging ganito ang buhay nya, ngunit dahil sa dala ng panahon kaya't napasok nya ito. Araw araw nyang hinaharap ang mundong mapanghusga, mundong magulo, at mundo na walang kasiguraduhan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may taong magpapabago sa buhay nya, at yun ay walang iba kundi si Nicolas. Ang binatang saksakan ng kagwapuhan at kasupladuhan. Saan kaya hahantong ang buhay ng dalawa kung pagsasamahin sila ng tadhana sa pagkakataon inaayawan nila? Hindi kaya maghalo ang binalatan sa tinalupan kung magsasama sa iisang bubuong ang babaeng ubod ng kaharutan at ang lalaking ubod ng kasupladuhan? Oh, no! Anong pasabog kaya ang madadatnan sa dalawang tinadhana?