Bago pa man pumasok ng bago niyang school si Tamara ay ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi muna siya maiinlove sa lalaki.
Ngunit, pagkatapos ng mga kaganapan sa first day of school niya nang siya ay mawalan ng malay at tulungan ng isang lalaki na inakala niyang destiny niya na, nilunok niya ang lahat ng kanyang sinabi. Subalit, sa araw-araw na kinukulit at binibigyan niya ng sobra-sobrang atensyon si Steven, ay nireject lamang siya nito. Nasaktan siya, kaya nung nalaman ito ng kaibigan niya na si Yvonne ay kinomfort siya nito.
Para mawala ang sakit na nararamdaman niya, lingid sa kaaalaman niya ay gumawa ng paraan si Yvonne para malibang siya at hindi na maisip ang mga nangyari. Hiningi niya ang tulong ni Tamara na pansamantalang maging katulong niya sa pagmamanage ng isang basketball club kung saan si Yvonne ang manager. At doon na nagsimulang muli ang lahat...