Asar si Bree kay Luis dahil halos lahat ata ng ayaw niya sa lalaki ay pinakyaw nito: spoiled brat, arogante, mayabang at playboy. Kung hindi lang sa ama nito na amo niya ay hinding-hindi siya magtitiis na i-train ito sa trabaho. kapag may pagkakataong magkasama sila ay panay ang bangayan nila. pero may isang pangyayaring nagpabago sa kanilang samahan. Unti-unti na silang nagiging malapit sa isa’t isa. Pero ano na ang gagawin niya kapag nalaman niyang matapos ng lahat ng pinaghirapan nila ay iiwan lang sila nito sa ere? Ano na ang gagawin niya sa puso niyang unti-unting nahuhulog na para rito?