88 parts Complete Bihira mang masilayan, mala-paraiso ang pakiramdam ng kambal na sina Deisy at Daina kapag nakikita ang blue moon. Isang buwan matapos mamatay ang kanilang ama, nagkaroon sila ng away ng kanilang ina.
Bagamat nasasaktan, natuwa silang may makikita silang blue moon kaya nagpunta sila sa simbahan ng Sta. Ana kung saan nila ito tinatanaw. Nang pumasok sila sa loob ng simbahan upang manalangin, nawalan sila ng malay.
Ginising sila ng binibining nagngangalang Florentina. Dito nila napagtantong sila'y nasa taong 1890. Ipinakilala siya nito sa kaniyang ina na si Isabela na mayroong isang carinderia. Nang patuluyin ni Isabela ang kambal, nakilala pa nila ang tatlo niyang anak na lalaki na sina Cordero, Claudio at Crisanto.
Sa paglalim ng samahan ng tatlo, tila pag-ibig ang mabubuo. Dito rin matututuhan ng kambal ang paraan ng pagluluto ng mga Filipino noon sa kusina. Magiging daan ba ito sa pag-ibig na maaaring mamagitan sa pagitan ng kambal at ng mga anak ni Isabela?
Gaano sila katatag na malagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanila?
Paano magiging solusyon ang blue moon upang bumalik sila sa kasalukuyan?
Rankings!
#1-Nakaraan
#1-Panahon
#7-Oras
#10-Pinoy
Started: June 5, 2021
Published: July 4, 2021
Finished: December 26, 2021
Estimated Reading Time: 9h 56m
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT!