Tsaka na natin Sundin ang Puso
  • Reads 5
  • Votes 0
  • Parts 1
  • Reads 5
  • Votes 0
  • Parts 1
Complete, First published Feb 07, 2016
Masaya.
Kinikilig ka pa.
Sakay ng ulap na ating pininta
Sa pangarap na kasama ka.

Oo, nangangarap tayong sabay
Nangangarap na maging bagay
Pero di sapat yung tayo
Para yung forever, magkatotoo.

Tsaka na kapag okay ka na
Pag ang magulo, maayos na
Pag ang marumi, malinis na
Pag ang mali, tama na.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag yung mga pangako
Handa ng gawing totoo
At hindi napapako.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag ang malayo, malapit na
Yung tipong abot ko na
Pag yung sandali, pangmatagalan na.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag yung pangarap mo andyan na
Pag yung plano mo nagawa mo na
Pag yung dati naitama mo na.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag yung malabo, malinaw na
Pag yung siguro, sigurado na
Pag yung tadhana, umaayon na.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag dumating na ang tamang panahon
Yung tamang pagkakataon
Na babawi sa mga noon.

Tsaka na natin sundin ang puso
Pag handa na ko
Pag handa ka na
Tsaka na. Pag kaya na nating dalawa...
All Rights Reserved
Sign up to add Tsaka na natin Sundin ang Puso to your library and receive updates
or
#1pagkasawi
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Tagalog Spoken Poetry (Collection) cover
Pangako't Pagdududa | COMPLETED cover
Mga Tula cover
MGA TULA NG PAG-IBIG cover
Lady Yve [A Poem Compilation] cover
The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG] cover
Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem Collection cover
Spoken Word Poetry (TAGALOG) cover
Spoken Poetry (Tagalog) cover
Living Poetry cover

Tagalog Spoken Poetry (Collection)

38 parts Ongoing

Spoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero