Matapos ang failed attempt sa paghuli kay Alexandra, ang drug mule at nag-iisang anak ng isang powefrul druglord, nalagay sa alanganin ang posisyon ng mag-bestfriend na detective na sina Agent D at Agent Q matapos na dakpin si Sandy, isang normal fifteen year old teenager na kapangalan ng kanilang hinahanap na tao. Talking about mistaken identity, boys. Sa tulong ni Sandy, papasok sa school ang dalawa at magpapanggap na estudyante para masubaybayan nila si Lexi, ang rebel girl na kanilang target. Sa pagsali ni Sandy sa wacky tandem ng weird duo na ito dubbed as the Medyo Bad Boy, Medyo Good Boy tandem, ano-ano ang pwedeng mangyari? E paano kung ma-inlove ang detective sa kanilang witness na si Sandy? O sa suspek nilang si Lexi? Mapapatalsik ba sina Agent D at Agent Q sa ABC Agency?