Tunay nga na mas marami pang gustong sabihin ang puso kaysa sa bibig. Maraming bagay ay hindi kayang sabihin, maraming bagay rin ang hindi kayang aminin. Bibitawan mo ba na parang lubid ang mga katagang yan? Ingat ka lang dahil 'pag lalong mahigpit ang hawak mo sa lubid na yan, lalo ka lang masasaktan. Tulad ng pagbitiw mo sa lubid na patuloy mong pinaghihigpitan ng hawak, ay ang pagbitiw mo rin sa sakit na nagdudulot ng mas matinding pahamak. Nakaramdam ka na ba ng tinatawag nilang "slow-mo"? O kaya yung "fast forward"? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero sa bawat pagkakataong kasama kita, hinding hindi ko malilimutan ang bawat detalyeng pumukaw sa aking paningin ng mga oras na iyon. Hinding hindi ko makakalimutan... Minahal ko lahat sa'yo. Niyakap ang bawat sirang piraso. Kahit na para kang sirang bubog na galing sa salamin. Ang tanging masasabi ko ay "Ikaw pa rin.." Kahit ika'y lumisan, mahal ko, ang pagsintay ko'y hindi naglaho. Sa'yo at sa'yo pa rin liliko, ang puso kong sumasayo.