Ito ay isang kwento ni Isabella Flores Napakaganda ng buhay ni Isabella... Mula sa mayamang pamilya... Tagapagmana ng isang kumpanya, may mansion sa ibat-ibang bansa, madaming lupain at ari-arian, nagagawa at nakukuha nya lahat ng gusto nya... Pero sa kabila noon.. Isa lang ang gusto ni Isabella.... Yun ay si Gerard.. Isang lalakeng handa syang magpakatanga, at gawin ang lahat... Sa kabila ng kanyang katanyagan, kasikatan, maputi at makinis na kutis, katangkaran, kagandahan almost perfect na sya dagdagan mo pa ng yaman.... Pero dahil sa desperada sya... Naging padalos dalos ang kanyang disisyon... May hindi inaasahang pangyayari ang dumating sakanyang buhay... Nag bunga ang ginawa nyang katanggahan... Nag kaanak sya kay Gerard...umalis sya ng bansa para itago iyon... Paano nalang kung dumating ang panahon na bumalik sya... Nakahanda kaya si Isabella sa pag kikita nila? Handa kaya syang sabihing may anak sila ni Gerard... Nakahanda kaya sya sa mangyayaring pag babago sa buhay nya? Kahit pa isa syang mabuting ina na handang gawin ang lahat para sa anak nya.... Isang ina na handang magsakripisyo at tugunan ang pangangailangan ng isang ama para sa kanyang anak...