Sa highway, kung saan labanan ng mabibilis na sasakyan ay may iba't-ibang lane na nakalaan para sa bawat isa. Merong bus lane, motorcycle lane, bicycle lane, truck lane at private vehicle lane. Sa buhay natin, meron din iba't-ibang lane. Life, family, friendship, education, love? At kung anu anu pang lane, na pinahahalagahan natin sa ating buhay. Paano kung isa ka sa mga taong, kahit anong gawin eh hindi makaiwas sa Love Lane? Na para bang kahit anong ibato sayo ng buhay, hindi mo maiwasang mapadaan duon? Kahit na alam mong possible na magcrash ka, masaktan at masugatan. Paano kung walang MMDA na handing tumulong sayo? Paano kung sarili mo lang ang meron ka? Dadaan ka pa din ba? Kahit na lapitin ka sa disgrasya?