51 parts Ongoing Naranasan mo na ba makontrol ang iyong panaginip? Tulad na lamang ng paglipad, paglutang, pagtalon mula sa mga matataas na building at pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan gaya ng mga napapanood sa mga fantaserye sa TV. At maalala ito ng malinaw sa iyong paggising? Kung ganoon, isa ka sa 1% population sa buong mundo na tinatawag na Lucid Dreamer.
---
Meet Trisha Myliejoy Zamora, isa sa mapalad na pinagkalooban na makontrol ang panaginip nang walang ka-effort-effort. Sa pamamagitan ng Lucid dream, nakakilala siya ng mga katulad niya't naging kaibigan sa realidad.
Isang gabi, sa kaniyang pamamasyal sa Dreamland ay kaniyang na-engkwentro ang isang lalaking napakakulit at ubod ng daldal na nagpakilalang si Moises. Sa una'y naiinis siya sa katabilan at pagbuntot-buntot nito sa kaniya ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan na niya presensya at ang 'unfamiliar feelings' niya para rito. Dahil doon ay mas ninais niyang mas mapalapit at makilala niya ito, hindi lamang sa Dreamland, sa kaniya ring realidad.
----
Date Started: March 28,2024 (Maundy Thursday) 11:40 p.m
Date Published: March 30,2024
Date Finished:--