Hindi mo ba naisip na baka yung taong mamahalin mo at magmamahal sayo habang buhay ay maaaring nakita mo na, pero napatingin ka sa isang shop dahil nakapaskil ang muka ni bias. O kaya nama'y nakasalubong mo na, pero dahil lalampa lampa ka ay nadapa ka pa. O di kaya'y nakatabi mo na sa jeep, kaso may pumagitna sa inyong estudyanteng parang magkacamping dahil sa laki ng bag. Napakaraming beses na maaring nakita mo na siya, pero ang malas mo. Napakamalas mo. Dahil sa dinami daming pagkakataon at paraan kung pano mo siya makikita at makikilala... sa panaginip pa.All Rights Reserved
1 part