"Maganda ka...pero mataba ka..." "Mataba, pero maganda." Oo yun ang madalas na sinasabi sa kin ng mga nakikilala ko bukod sa 'matalino ka, pero tamad ka' ng mga naging teacher ko nung elementary at highschool. Hindi ko alam kung compliment ba yun o ano? Hindi ko kasi alam kung papano ko tatanggapin. Postibo kasi sinabing maganda ka, negatibo dahil sinabihan ka din ng mataba. Oo na mataba nga ako! "Baboy!" "Hippopotamus!" "Lumba lumba!" Mas madaming lait na maririnig kesa sa papuri at pag appreciate na despite na mataba ka, maganda ka naman. Siyempre nga naman mas malaki ang sakop ng katawan kesa sa mukha, at yung utak maliit na nga, nakatago pa. If you know what I mean. Pa'no ba maikukunsidera na maganda ang isang tao o specifically ang babae? Sa hubog ba ng katawan? Sa laki ba ng boobs? Pwet? Sa liit ng bewang?All Rights Reserved
1 part