Parehong nabigo at naloko sila Samerah Nicolas at Gerard Alejar, sa isang bar ay nagtagpo ang landas ng dalawa. "Ang mga babae manloloko!" ani ni Gerard sa kataasang boses. "Ang mga lalaki manloloko!" pasigaw na sabi ni Samerah. Halos sabay lang ang pagkasabi nilang iyon. Lumingon si Gerard sa kabilang lamesa. At hindi niya inaasahan na makikita muli ang babaeng nasa park lang kanina. Parehong hindi nila gusto ang narinig. Pero pagdating ng Photo Exhibit ay muling nagtagpo ang landas nila at ibinigay ni Gerard ang dalawang litratong ginawa kay Samerah, "Learn to love again" and "Save your heart". Malalim ang ibig sabihin ng dalawang litrato na kung saan ay nalaman ni Samerah ang nakaraan ni Gerard. Kung kailan umiibig na muli si Samerah ay... wala rin pala. Sa sobrang sakit ay nagdesisyon siyang magbago.All Rights Reserved